Si Superman
Si Superman laging natatapilok
kasi flat-footed siya. Nakasuot siya ng awkward na goggles; malabo ang mga mata
niya, operated pa nga kase noong bata pa siya cross-eyed siya e; hindi
nakakarinig, pero nakakapag drive siya. Minsan pa nga pinalilipad niya ang
kotse kapag gusto niyang maglaro. Bibitawan niya ang wheel at patatakbuhin mag
isa ang car, at sisigaw naman ako. Wala, naaaliw lang siya.
Maraming beses na disappoint ko
si Superman. Take note kapag nagagalit siya tatahimik lang siya. Aalis lang
siya pero kapag umalis siya nandiyan lang siya. Hindi ka niya talagang iiwan
pero kailangan una mo siyang batiin. Para bang sinasabi niya, you need to be
charming; you are a woman after all. At kapag binati mo na siya nakangiti lang
siya, iyong ngiting alam mong napasaya mo siya; hindi ngising asong nakakita ng
mabibiktima niya na tulad ng ibang lalake ha? Grabe si Superman. Minsan,
nakakita siya ng girl na hindi rin nakakarinig. Ibinigay niya ang hearing aid
niya na ekstra (kahit gaano pa kamahal).
Hindi macho si Superman pero
responsable siya. Minsan nakita ko laman
ng wallet niya over two hundred pesos lang. Hiningi ko ang two hundred.
Binigay? Hay naku, cute siya utuin. Pero wala nga akong pera noon. At siya rin
konti lang, pero binigay niya. Do you
remember the woman in the bible---- the one who gave her last cents during the
offering in a synagogue? So alam na alam kong mahal ako ni Superman. Si Lois
Lane yata ako. Pero hindi mo yon maririnig sa bibig niya. Hindi uso ang mga “ I
love you” at mga showy na romance sa labas ng bahay. Para talaga siyang
sinaunang tao. Baduy niya pa nga magdamit di ba? Sabi ng iba (forgive my word)
“stupid” pa kasi nasa unahan ang brief or karsursilyo ba iyon kaysa sa pantalon.
Mauubos ang mga pahina kapag inisa
isa ang magagandang qualities ni Superman, kabaligtaran ito ng Superman ni
Nietzsche. Nietzsche’s philosophy of a Superman is different. Strength is the
ultimate virtue, and weakness, its failure and henceforth, good is that which
wins, and bad is that which fails. It is for me under a big question mark-- what is strength and what is weakness would
depend on the perceiv-er-- the same
thing with good and bad-- or what wins
and what fails— relative talaga itong mga qualities at situations na ito kaya in
a way tama din si Nietzsche. Etong kilala kong Superman is not somebody that
conventional people will deem as a strong man pero walang meanness sa character
niya. Wala siyang mga expressions of vanities, invectives, overflowing male ego
chauvinism expressed in meanness toward womanhood and women; hindi nananakit
physically, but of course, he hates to see injustice and he has a ready word
for it. Tight-lipped. Disciplined. Hindi maingay. I hate guys who are
talkative.
Nagsusulat siya e. It took me a
long winding journey before I discovered Superman. Napaka swerte ko sigurong
babae, and if you happen to meet him, I am sure he will also bless you,
especially with his charm. Forget about his eccentricities because it is just
perfect. It is like all the graces of
God have been poured in this person. Wala nga lang siyang pera kasi nga
manunulat lang naman si Superman di ba? although I remember telling somebody
that it is worth more than gold and that no amount of wealth or riches can
substitute the bliss that you will get to experience if you happen to meet one
like him kaya lang I was told that in the Philippines, one in a million lang
siya so sorry na lang kayo.
Back to my topic, when the time
came that everyone, practically everyone has turned his/her back on me, si
Superman lang ang naiwan. Hindi ka niya iiwan. Kaya niyang talikuran ang mundo
for you. At kaya niya ha? Superman nga siya e. Ganon siya magmahal. Lahat ng
suntok ng mundo kaya niyang saluhin lang ng kamao niya.
No comments:
Post a Comment