Sunday, July 31, 2016

Si Superman


Si Superman laging natatapilok kasi flat-footed siya. Nakasuot siya ng awkward na goggles; malabo ang mga mata niya, operated pa nga kase noong bata pa siya cross-eyed siya e; hindi nakakarinig, pero nakakapag drive siya. Minsan pa nga pinalilipad niya ang kotse kapag gusto niyang maglaro. Bibitawan niya ang wheel at patatakbuhin mag isa ang car, at sisigaw naman ako. Wala, naaaliw lang siya.
Maraming beses na disappoint ko si Superman. Take note kapag nagagalit siya tatahimik lang siya. Aalis lang siya pero kapag umalis siya nandiyan lang siya. Hindi ka niya talagang iiwan pero kailangan una mo siyang batiin. Para bang sinasabi niya, you need to be charming; you are a woman after all. At kapag binati mo na siya nakangiti lang siya, iyong ngiting alam mong napasaya mo siya; hindi ngising asong nakakita ng mabibiktima niya na tulad ng ibang lalake ha? Grabe si Superman. Minsan, nakakita siya ng girl na hindi rin nakakarinig. Ibinigay niya ang hearing aid niya na ekstra (kahit gaano pa kamahal).
Hindi macho si Superman pero responsable siya.  Minsan nakita ko laman ng wallet niya over two hundred pesos lang. Hiningi ko ang two hundred. Binigay? Hay naku, cute siya utuin. Pero wala nga akong pera noon. At siya rin konti lang, pero binigay niya.  Do you remember the woman in the bible---- the one who gave her last cents during the offering in a synagogue? So alam na alam kong mahal ako ni Superman. Si Lois Lane yata ako. Pero hindi mo yon maririnig sa bibig niya. Hindi uso ang mga “ I love you” at mga showy na romance sa labas ng bahay. Para talaga siyang sinaunang tao. Baduy niya pa nga magdamit di ba? Sabi ng iba (forgive my word) “stupid” pa kasi nasa unahan ang brief or karsursilyo ba iyon kaysa  sa pantalon.
Mauubos ang mga pahina kapag inisa isa ang magagandang qualities ni Superman, kabaligtaran ito ng Superman ni Nietzsche. Nietzsche’s philosophy of a Superman is different. Strength is the ultimate virtue, and weakness, its failure and henceforth, good is that which wins, and bad is that which fails. It is for me under a big question mark--  what is strength and what is weakness would depend on the perceiv-er--  the same thing with good and bad--  or what wins and what fails— relative talaga itong mga qualities at situations na ito kaya in a way tama din si Nietzsche. Etong kilala kong Superman is not somebody that conventional people will deem as a strong man pero walang meanness sa character niya. Wala siyang mga expressions of vanities, invectives, overflowing male ego chauvinism expressed in meanness toward womanhood and women; hindi nananakit physically, but of course, he hates to see injustice and he has a ready word for it. Tight-lipped. Disciplined. Hindi maingay. I hate guys who are talkative.
Nagsusulat siya e. It took me a long winding journey before I discovered Superman. Napaka swerte ko sigurong babae, and if you happen to meet him, I am sure he will also bless you, especially with his charm. Forget about his eccentricities because it is just perfect.  It is like all the graces of God have been poured in this person. Wala nga lang siyang pera kasi nga manunulat lang naman si Superman di ba? although I remember telling somebody that it is worth more than gold and that no amount of wealth or riches can substitute the bliss that you will get to experience if you happen to meet one like him kaya lang I was told that in the Philippines, one in a million lang siya so sorry na lang kayo.

Back to my topic, when the time came that everyone, practically everyone has turned his/her back on me, si Superman lang ang naiwan. Hindi ka niya iiwan. Kaya niyang talikuran ang mundo for you. At kaya niya ha? Superman nga siya e. Ganon siya magmahal. Lahat ng suntok ng mundo kaya niyang saluhin lang ng kamao niya.